tindelacruz.blogspot.com
"Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulturang Filipino"
"Ang buhay ay Hindi perpekto maraming pagsubok ang kailangan mong pagdaanan bago ka makarating sa iyong paroroonan ngunit ang lahat ng pagsubok na ito ay Kaya nating malampasan hanggat nandiyan ang pamilya natin na handa tayong damayan sa lahat ng pagkakataon at mayroon tayong pananalig sa Panginoon."
Ako si Christine Joy Tan Dela Cruz,labing pitong taong gulang.Ipinanganak ako noon Hunyo 01,2001.Pang apat ako sa limang magkakapatid.Ipinanganak ako sa Manila ngunit dito ako sa Tacloban lumaki.Kasalukuyan akong nag aaral sa Sagkahan National High School sa ilalim ng Track na STEM o Science Technology Engineering Mathematics.Ako ay lumaki sa isang masaya,mapagmahal at buong pamilya ngunit ang lahat ng Sayang ito ay unti unting napalitan ng lungkot ng malaman namin na may malubhang sakit ang aking ama.Isang taong nanatili ang aking ama sa ospital upang labanan ang kanyang sakit ngunit Hindi nya ito kinaya kaya pagkatapos ng isang taon Pumanaw na siya.Limang taong gulang ako nang naulila ako sa ama Hindi ko Alam sa mga panahong iyon kung ano ang nangyayari sa paligid ko ang tanging Alam ko Lang noon ay iniwan na ako ng aking ama at kahit kailanman ay hindi ko na siya makikita at makakapiling,Hindi ko na mararanasan ang maisayaw niya sa ika 18 kaarawan ko at higit sa lahat sa kasal ko.Ang aking ama ang Isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin sapagkat ipinaramdam niya sa akin ang tunay na pagmamahal ng isang ama.Hindi man siya perpektong ama pero kahit na ganon para sa akin siya pa Rin ay walang katulad,siya ang unang lalaki sa aking buhay na minahal ko at patuloy Kung mamahalin.Siya ang nagturo sa akin nang mga aral na kahit kailanman man ay Hindi ko malilimutan at mananatiling buhay sa aking diwa at isipan.Alam Kung Hindi na niya makikita ang pagdating ng panahon Kung saan unti unti ko nang nakakamit ang mga pangarap ko sa buhay pero kahit na ganon Alam ko naman na matutuwa siya sapagkat unti unti ko nang nakakamit ang mga pangarap niya para sa akin.Mahirap ang lumaki ng walang ama sapagkat walang magtatanggol sa inyo ngunit sa aking katayuan masasabi ko pa Rin na maswerte pa Rin ako dahil kahit kinuha na siya ng Panginoon binigyan Naman niya ako ng Hindi lang Isa kundi maraming ama at sila ang mga Tito ko.Maaga man siyang kinuha ng Panginoon masaya pa Rin ako at lubos na nagpapasalamat sa Maykapal sapagkat binigyan niya ako ng isang ama na walang katulad.Ang pagkawala ng aking ama ay Hindi naging madali sa aking ina dahil simula nang Pumanaw ang aking ama ay mag isa na siyang nagtrabaho at dahil doon ay napilitan siyang iwan kami sa puder ng aking Lola sapagkat kailangan niyang pumunta sa malayong lugar upang matustusan ang pangangailangan naming magkakapatid.Ang pangarap ko sa buhay ay maging isang doktor Kaya Naman pinagsisikapan ko ang pag aaral upang makapagtapos ng Senior High upang makatungtong ako ng Kolehiyo at makapagtapos ng kursong medisina.Pangarap ko Rin ang makapagbalik loob sa aking pamilya sa lahat ng kanilang sakripisyo at Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ko ring makapunta sa Paris,London, Amsterdam,South Korea,at America kasama ang mga taong Mahal ko.
Comments
Post a Comment